Tuesday, April 15, 2008

Tambak Na Naman ang Labada

Kaninang hapon, sa oras ng aking lunch break,
Nagmaganda ako.

Ginamit ko ang lumang spray net ng nanay ko.
Inispray ko 'to sa aking bagong gupit na buhok,
at saka ko nilagyan ng swarovski headband ang
ulo ko.

Ang ganda.

Nagkaroon ng volume ang buhok ko,
Tumambok sya sa taas at para akong bumalik
sa 60's.

Hindi doon natapos ang pagmamaganda ko.
Ginamit ko pa ang aking curl lash at
mascara. Ang saya ko. Kulang na lang mapulang
lipstick!

Tambak kasi ang labada
sa trabaho
at sa bahay.

Nakakapanglambot na ng laman
minsan.

Kaya, for a change,
kahit kailangan ko na bumalik
sa salt mines,
ayun, nagmaganda muna ako,

at nakipag-QT sa sarili.

No comments: