sabi ng mga kapatid ko, kaya daw "janice" ang pangalan ko,
kasi katunog daw iyon ng "inis". (medyo weird ang mga kapatid ko para isipin yon, charot)
sa tuwing hindi ko maintindihan ang mga lessons sa school,
sa tuwing hindi ko makuha kung paano naging ganoon ang sagot
sa isang Math problem,
sa tuwing hindi ko makuha ang tamang pagtupi ng papel
sa origami,
maiinis na ako agad. nakakatulog ako sa gabi na hindi nagagawa ang
mga assignments noon, dahil idinaan ko na lang sa iyak.
at pag dating ng umaga, inis na naman ulit ang paiiralin ko,
dahil hindi ko nagawa ang assignment,
dahil nainis nga ako noong kinagabihan.
at ang ganitong ugali ay kakambal ko kahit nung ako'y nasa kolehiyo na.
hanep ano? kapag naiisip ko iyon, naitatanong ko sa aking sarili,
"Pa'no ako nakapasa non??"
kahit ngayon, naiinis pa rin ako. sa mga direksyong mahaba at komplikado,
sa mga problemang masakit sa ulo,
sa mga pakiusap na malabo,
minsan, sa kahit ano lang.
kapag mainisin ka, wala ka na bang pasensya?
parang hindi naman yata?
ayokong magbuhat ng sariling bangko, pero yun nga, tingin ko nama'y
(medyo) pasensyosa ako.
may mga araw na nagigising akong parang naiinis,
ngunit may mga araw din na pinipilit kong piliin ang
huwag mainis,
ika ko nga kay rcm, sayang ang oras,
sayang ang pagkakataon
kung ibubuhos lang sa inis ang buong araw,
masakit pa sa ulo, kapag naiinis.
ang point ko lamang sa blog na ito ay
naturalesa ko nga siguro ang ma-stress paminsan-minsan,
ang mainis dahil sa isang malabong dahilan,
ngunit naturalesa ko rin ang bumawi,
ang magpakitang gilas sa aking sarili, na kaya kong hindi mainis
ng isang buong araw.
ngunit, sana, hindi na ako mabansagang "janice inis".
sayang ang magandang pangalan (hahaha!) kung may kasunod na ganyan.
yun lang :)