Bago magsimba, kumain muna kami ni PS ng sipao at mami. Si PS kasi, kahit mag-order ng masasarap na pagkain sa mga restaurants dito, hindi daw siya busog na busog. Ang totoo daw niya pagkabusog ay kapag kakain siya ng mami at siopao. Kaya ayun, napadpad kami sa mamihan at siopao-an kanina. Masarap naman kumain talaga ng siopao dun, pero ako, hindi kasi ako mahilig kumain ng mga mami. Para kasi sa akin, ang mami ay kinakain lang kapag maysakit ka dahil mainit ang sabaw nya.
Anyway, we talked about a lot of stuff while we were feasting on asado and mami. Sabi ni PS, ang official food daw ng pamilya niya ay siopao. Sabi ko naman, sa aming mga lahi ng mga buruka, ang official food ay pansit, bihon man o miki bihon (ung mataba't payat).
Siempre, habang nag-uusap, hindi maiiwasan na magreminisce ng mga kung anech anech. Sabi ni PS, noong kukuha daw siya ng NSAT, inilibre daw siya ng nanay niya ng siopao bago siya mag-exam. Pang-relaxation daw. Natanong ko sa kanya kung ilan ang nakuha nyang grade sa NSAT, sabi niya mga line of 8 daw. Eh siempre, binida ko si Poang P. Sabi ko sa kanya si Poang P, kahit wala sa honor roll noong high school, naka 99 sa NSAT at pumasa pa sa UP Dil. Ayos diba!
Ako, I wanted to really study in UP. Siguro, kung pumasa ako doon, isa nako akong interior designer ngayon. Iyon kasi ang inaaplyan kong course sa UP. Pero bumagsak ako eh. At napadpad sa Miriam College.
I told PS, na when I took the entrance exam in MC, i was so shy and scared. Super promdi kasi ako at ang gaganda ng mga girls na kasabay ko. Hah! Pero when I started studying there naman, nice girls naman pala sila. :D
Sa totoo lang, ang sarap magkwentuhan ng mga happy thoughts. It's refreshing, it makes you smile and you feel so, wala lang, parang buhay na buhay. Ang lungkot siguro kapag wala kang mga happy memories. Ano na lang ang babalik-balikan mo? Parang kulang kapag ganon. Parang magtataka ka. "Ano ba nangyari sa akin ten years ago?"
At kapag wala kang maisip, you will surely let out a big sigh, stare blankly into the wall or cover yourself with blanket and sleep all day.
Buti na lang, may mga nabaon akong happy thoughts. Buti na rin lang si PS, madami ding nabitbit na mga memories. At siempre, I will continue to collect beautiful memories, para sa future, meron pa ako ibang babalik-balikan.
Ikaw din dapat. Dapat madami kang baong happy memories. Ok yun.
Yes clap begins here.
4 comments:
Hindi pa naman huli na mag-aral ng interior design sa UP eh! Bakit 'di ka kumuha ng ilang units para masubukan lang?
hello jovan!
hayyy... il let u know. pero ang sarap isipin. super.
oo nga, go for it!
padalhan mo nga ako ng happy thoughts na sinasabi mo. naiwan ko ata sa CR sa bahay namin sa pasig kaya wala akong nabaon.
gusto ko tong post na to. na imagine ko kayo. gusto ko ng ganyang kwentuhan...
na miss kita lalo.
Post a Comment