It's fifteen days to go before Christmas.
Pero bakit parang hindi ko pa siya nararamdaman?
Dito, sa isla, wala pa masyadong nagsasabit ng mga Christmas lights at Christmas lanterns as compared to the previous Christmasses a few years back. Whenever I drive to the market, I seldom see vendors selling lanterns and all that Christmas-y glitz.
Why is that? Dyan ba sa Manila, Paskong-pasko na? In addition to this, I rarely encounter namamaskos. Dati, sagana sa barya ang bahay namin dahil maya't maya, nandyan na ang mga nangangaroling pero ngayon... bokya, alaws, zero.
Bakit kaya ganon?
Ako pa naman ang tao na excited sa Pasko.
I have some theories why... like the weather disturbances. Bakit kaya tuwing December ang lalakas ng bagyo?
Another theory is our lifestyle change. Nagiging parang mga Amerikano yata tayo, career-oriented and find a little time to run through the Christmas Wish List and feel, at the same time, the Christmas breeze. Ako na lang ata talaga ang nakikiramdam ng Christmas ng ganito kaaga.
Pero I still am positive, and believe that in the smallest vein that runs through a particular person's body, there is still that excitement to see the Christmas lights and open gifts on Christmas eve. Sana lang tama ang hinala ko.
Merry Christmas everyone!
... and enough with the typhoons please!
2 comments:
tumatanda nalang talaga ata tayo kaya wala nang dating sa tin ang pasko.
wag kang mag alala. dito, sa 25th, nagtatrabaho kami hanggang alas 10 ng gabi. kulang nalang latiguhin kami ng mga boss namin. *wapaaak*!!!
I didn't feel it as much this year also... But still, hope you had a wonderful Christmas, and a prosperous year ahead!! Mwah!
Post a Comment