Sunday, January 27, 2008

Sa Bayan

Saturday afternoon after work --
Namasyal kami ng mga kapatid ko sa bayan
(center of commerce in the island).
Masarap mamasyal sa bayan.
Madaming naglalakad na mga tao,
magkakakilala man
o mga galing sa malalayong parte ng isla.
May mga Koreano rin, isang batalyon! Mga nagsisipag-aral
ng Ingles.

Kaya masarap mamasyal sa bayan.
Drive drive ka lang,
Patingin-tingin.
Magaan ang feeling.
Masasaya
kasi ang mga tao na nasa bayan.
May mga namimili ng pagkain at grocery,
pataba sa mga tanim sa bukid,
pagkain at bitamina ng alagang baboy at manok,
May nagliligawan sa fast food,
May mga bagets na tumitingin ng
mga latest na cellphones,
May mga balikbayan na binibili ang lahat
ng laman ng tindahan, at kasama ang 'sangkaterbang
kamag-anak
May mga 'kano rin sa bayan!
At may mga 'kanong pastor din na nakaneck tie
habang nagpapalipas ng oras sa bilyaran.

Masarap talaga mamasyal sa bayan.
Ang daming nakikita. Ang sasaya pa.
Magaan sa puso.

Kaya gusto ko lagi namamasyal
sa bayan.

:-)

No comments: