Tuesday, September 30, 2008

Monologue Part I dont know

Bakit ba ganon? Kahit anong gawin mong paraan para makalimutan ang isang bagay, hinding hindi mo pa rin iyon magawa. Ilang beses ka na nangako, ilang beses ka na sumumpa na hindi mo na ito pag-uukulan ng pansin, pero bakit ganyan ka pa rin?

Ano pa ang hinihintay mo? Huwag mong pilitin ang ayaw, huwag mong pilitin ang mundo na umikot para sa'yo lang.

Kailan ka ba makakalimot? Kailan ka makakapagbago?

No comments: