Thursday, October 04, 2007

Over Dinner

Isa sa mga gusto kong ginagawa ay mag-imbak ng 'sangkaterbang masasayang alaala. Kahit malayo ako sa mga malalapit kong kaibigan, sinisigurado ko pa rin na sa mga maliliit na bagay, ay may mahihita ako na magagandang isipin. Ito ay isa mga kaunti kong paraan para malibang at hindi makaramdam ng pangungulila.

:-)

Heto ang happy thought ko para sa araw na ito.

Sa aming trabaho, nagseset kami ng sales quota.Kapag nahigitan mo ito, siempre may pabuenas ka. Kanina, ang naging pabuenas ay kumain sa labas. Hindi sila naka-hit ng quota pero dahil sa kaunting halaga na lamang, ay sinorpresa namin sila -- nilibre namin sila sa pinakabagong tayong restaurant dito sa isla.

Alam mo ba kung anong pambungad nila? YEHEY! daw.

First time nila kasi kakain doon. Inorder namin ang pinakamasasarap na putahe -- crispy pata, inihaw na isda, prawns at kung anu ano pa...

May take out pa.

Nakakatuwa lang. Kagulo kami kanina doon. Pero ang saya. Masayang makakita ng tao na super nag-eenjoy sa ginawang mong surpresa para sa kanila. Nakakataba ng puso kapag may binibigay ka para sa iba. Ang sarap isipin at basta ang saya. Ang saya kapag may napapasaya ka. Ayoko pa umuwe sana, gusto ko pa chumika, pero dahil busog na kami, umuwe na rin kami.

Well, sa susunod na buwan ulet. Kung papalarin sila ulet maka-quota. ;-)

good night.

2 comments:

Chanda Yongkita said...

I know the feeling, Tita.

Masaya nga ang feeling ng nakakapag-pasaya ka ng ibang tao. Chaka it's always the right thing to do, yung hindi ka mang-menos ng kapwa mo.

Sagutin mo lang ang tanong na "What would Jesus do?" eh. For sure kukunin ka talaga ni Lord.

jajajanice! said...

yep chanda. nakakaaliw. kagabe hindi ako nakatulog, i was still thinking about it and about them. :D