Isang taon na pala akong nagbo-blog… I just ran through my previous posts and I was so delighted to know that I have been a blogger for a year now. Astig. May 11. To be exact.
And mga tsong, look naman at my first post here. Please check it out. Click me! Nakakatawa lang ang mga hang-ups ko last year. And for me, the power of blogging or even diary writing becomes more compelling after a year. You get to know and recall the things you have accomplished and not accomplished and the things that made you happy and not happy. Ang galing noh? It’s so nice to recall all these things and look at yourself now and see if anything has changed or if you are still the same old junkie or not-so-junkie.
Masarap maalala ang mga ganitong bagay, parang high school life or college life, ang sarap sarap sariwain. Nakakamiss at nakakalungkot at the same time kase tapos ka na sa stage na yon, pero kahit anong mangyari, nangingibabaw pa rin ang saya; na kahit papaano nakakasurvive tayo, nakakayanan natin mabuhay at makipaglaban.
Ang sarap lang isipin. Na sa loob ng isang taong pagbo-blog, ang dami kong naisulat tungkol sa buhay ko. Ang lahat ng mga realizations ko at that time na medyo nakakalimutan ko ngayon. Mabuti na lang at naisulat ko. Natutunan ko pala iyon noon.
Sa mga baguhan sa pagbo-blog, sa hinde pa nag-iisang taon sa blogging world, gusto ko lang sabihin sa inyo, kung gaano kasarap ang mag- isang taon. Ang sarap sarap isipin. Wala lang. And I am sure you all look forward to your one year here in blogger.
Have a happy weekend.
No comments:
Post a Comment